Figure skater Michael Martinez, nasa South Korea na para sa Winter Olympics

Nasa South Korea na si Philippine figure skater Michael Martinez para lumahok sa 2018 Winter Olympics sa Pyeongchang.

Kasama ang kaniyang coach na si Slava Zagor, umalis na ng California si Martinez na isa lamang sa dalawang kinatawan ng bansa sa nasabing kompetisyon.

Bago iwan ang Los Angeles, nagpasalamat si Martinez sa lahat ng fans na sumusuporta sa kaniya.

Ang men’s short program para sa Olympics ay nakatakda sa Pebrero 16 na susundan ng Men’s free skate sa Pebrero 17.

Tiniyak naman ni Martinez na handa na siya sa  Olympics kahit na kamakailan lamang ay nagawaran ng puwesto sa kompetisyon.

Ito na ang pangalawang pagkakataong sasabak si Martinez sa Olympics matapos ang kaniyang 19th place finish sa Sochi winter Olympics noong 2014 nung siya ay disi-siyete anyos pa lamang.

Samantala, bukod kay Martinez, lalaban din para sa Pilipinas si Asa Miller sa Slalom Skiing event sa Pebrero 18.

 

===  end  ===

 
.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *