SSS at LTO, pinakamaraming reklamong natanggap ayon sa CSC

Nakakuha ng pinakamaraming reklamo sa hotline 8888 ng Civil Service Commission ang Social Security System at Land Transportation Office.

Ayon sa CSC, sa mahigit na 400 tawag kada araw mula noong Agosto karamihan dito ay mga reklamo sa SSS at LTO.

Sinabi naman ni CSC Chair Alicia dela Rosa-Bala, agad namang natutugunan ang karamihan ng mga reklamong ipinaparating sa kanila.

Dagdag pa nito ang mga naturang ahensiya ay may pinakamaraming kliyente dahil ang SSS pa lamang ay aabot  na sa 31 million ang kanilang kliyente.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *