Sta. Rosa City, Laguna LGU, bumili ng 300,000 doses ng COVID vaccines mula sa AstraZeneca

Lumagda na rin ang pamahalaang lungsod ng Santa Rosa City, Laguna ng kasunduan sa nasyonal na gobyerno at AstraZeneca para sa pagbili ng bakuna kontra sa COVID-19.

Ayon kay Mayor Arlene Arcillas, inisyal na 300,000 doses ng COVID vaccines ang binili ng Santa Rosa City LGU mula sa AstraZeneca na para sa 150,000 katao.

Sinabi ng alkalde na mayroon pang karagdagang bakuna na magmumula sa Pfizer.

Tiniyak ni Arcillas na susundin ng lokal na pamahalaan ang mga guidelines na inilatag ng pamahalaan para ss vaccination program.

Una nang naglaan ang Santa Rosa City government ng inisyal na 300 milyong pisong pondo para sa pagbili ng Anti- COVID vaccines.

Moira Encina

Please follow and like us: