State of Public Health Emergency proclamation ni Pangulong Duterte dahil sa Coronavirus 19, inilabas na ng Malakanyang

Inilabas na ng Malakanyang ang proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para magdeklara ng State of Public Health Emergency dahil sa pagkalat ng Corona Virus Disease o COVID 19 sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa ilalim ng State of Public Health Emergency lahat ng ahensiya ng pamahalaan ay obligadong tumugon sa krisis na dulot ng COVID 19.

Ayon kay Panelo hindi dapat na magpanic ang publiko dahil kontrolado ng gobyerno ang sitwasyon sa pangunguna ng Inter-agency Task Force on Infectious Disease na pinamumunuan ng Department of Health.

Inihayag ni Panelo na kailangan lamang ang kooperasyon ng publiko para epektibong makontrol ang pagkalat ng COVID 19 sa bansa.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us: