Sunod sunod na pagdating ng bakuna sa bansa ,asahan

Magiging sunod- sunod na ang pagdating ng mga bakuna sa Pilipinas.

Nasa 15,000 Sputnik V doses mula sa Gamaleya ng Rusya ang darating sa Linggo, April 25 at may 480 thousand doses sa April 29.

Kasabay pa ng 500,000 Sinovac doses.

Sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., ang 195,000 doses ng PFizer vaccine naman mula sa COVAX facility ay posibleng sa katapusan ng Abril ang dating.

Ang Pilipinas ay nakatakdang tumanggap ng 1-2 million Sputnik V doses sa Mayo at 2 million sa Hunyo.

Samantala, umaasa si Galvez na ang initial 194,000 doses ng Moderna ay darating na rin sa Mayo.

Julie Fernando

Please follow and like us: