(Updated) Sunog sa residential area sa Brgy. Mariblo, QC, tuluyan nang naapula

Tuluyan nang naapula ang sunog sa Barangay Mariblo, Quezon City na umabot sa ikalawang alarma.

Ayon sa QC Fire Department, alas-9:17 ng umaga nang magsimula ang sunod sa No. 50 San Joaquin St., kanto ng Rivera St.

Alas-9:56 naman nang i-anunsyo ng BFP na fire under control na ang sunog.

At makalipas ang ilang minuto ay tuluyan nang idineklara na Fire-out ang sunod alas-10:15 ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa laundry area ng isang bahay at tatlong bahay pa na katabi nito ang nadamay sa sunog.

Tinatayang aabot sa 250,000 piso ang halaga ng pinsala pero wala namang iniulat na may nasawi o nasaktan sa insidente.

Belle Surara

Please follow and like us: