Superintendent Marvin Marcos itinalaga bilang bagong hepe ng CIDG Region 12

Itinalaga bilang bagong hepe ng Criminal Investigation and Detection Group Region 12 sa SOCCSKSARGEN si Superintendent Marvin Marcos.

Ito’y matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang reinstatement kay Marcos at sa iba pang akusado sa pagpatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Ayon kay  PNP-CIDG Director Noel Obusan, inilabas na ng PNP Directorate for Personnel and Records Management ang appointment paper ni Marcos at labing limang iba pa.

Nagkataon na bakante ang posisyon bilang hepe ng CIDG Region 12 kaya doon inilagay si Marcos.

Samantala, ikakalat naman sa SOCCSKSARGEN at Central Visayas ang iba pang kasamahan ni Marcos.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *