Surfer sa Australia patay matapos atakihin ng pating

Australia was the deadliest country in the world for shark bites in 2020 Saeed KHAN AFP/ File

SYDNEY, Australia (AFP) – Patay ang isang surfer matapos itong kagatin ng isang pating sa isang beach sa hilaga ng Sydney.

Agad na ipinatawag ang paramedics sa Tuncurry Beach, tatlong oras na biyahe ang layo mula sa Sydney, Australia kasunod ng mga ulat ng shark attack.

Ayon sa tweet ng New South Wales Ambulance . . . “Despite the best efforts of paramedics and bystanders at the scene, the man could not be resuscitated.”

Ang lalaki na pinaniniwalaang nasa mga edad 50, ay nakaranas ng cardiac arrest matapos kagatin ng pating sa kaniyang hita.

Sinabi ng pulisya, na ang lalaki ay nagsi-surfing nang mangyari ang pag-atake.

Ayon sa SharkSmart organisation ng New South Wales state government, ang mga beach sa lugar ay isasara muna kasunod ng nangyaring insidente.

Batay sa Taronga Conservation Society Australia, ang nasabing pag-atake ang unang fatal shark attack na naitala ngayong taon.

@ Agence France-Presse

Please follow and like us: