Suspek sa road rage sa Q.C, isinailalim na sa LBO

Isinailalim na sa Immigration Lookout Bulletin ng DOJ ang suspek sa road rage incident sa Quezon City noong nakaraang Sabado.

Sa memorandum na pirmado ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, inisyu ang LBO laban kay Fredison Atienza, driver ng Toyota Land Cruiser, na bumaril kay Anthony Mendoza na isang motorcycle rider na nakagitgitan niya sa kalsada.

Dahil dito, inaatasan ang mga immigration officer sa mga international port na matyagan ang posibleng pagbyahe sa ibang bansa ni Atienza.

Dapat din agad ipagbigay alam sa Office of the Secretary of Justice Sakalimh mamataan ang suspek sa immigration counter ng alinman sa mga international port sa bansa.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us: