Susunod na hepe ng BuCor, dapat daw na manggaling sa labas – Justice Secretary Menardo Guevarra

Umaasa si Justice secretary Menardo Guevarra na manggagaling sa labas ang pipiliin ni Pangulong Rodrigo Duterte na susunod na hepe ng Bureau of Corrections.

Ayon kay Guevarra, ito ay para magkaroon ng fresh blood sa Bucor.

Samantala, tiniyak ni Guevarra na ang itatalaga niyang OIC ng Bucor ay competent para hawakan ang krisis na kinakaharap ng ahensya.

Sinabi ng kalihim na may mga pangalan na silang pagpipilian para maging OIC.

Pero magkakaroon muna siya ng pagpupulong kasama ang mga undersecretaries ng DOJ ukol sa ilalagay na oic kapalit pansamantala ng sinibak na si Nicanor Faeldon.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *