TADECO maayos na naibibigay ang benepisyo sa mga manggagawa

Maayos ang trato ng Tagum Agricultural Development Corporation o TADECO sa kanilang mga manggagawa.

Sa panayam ng Saganang Mamamayan sinabi ni Ryan Zamora, Production Supt. ng TADECO, walang katotohanan na napapabayaan ang mga trabahante ng kumpanya dahil kung tutuusin ay maganda ang benepisyong ibinibigay ng plantasyon sa kanila bukod pa sa napakaraming programa.

Inihalimbawa pa ni Zamora ang kanyang sarili at ang iba pang manggagawa doon na bumilang na ng taon at hindi umalis dahil sa magandang pamamalakad ng banana plantation.

“Yung mga 3rd generation employee that can attest na maganda talaga dito yung lolo , papa nila ay nagtatrabaho dito may focus talaga dahil nga sa mga benefits na binibigay ng kumpanya aside from basic wage required by law marami pa kaming programa . not to mention meron kaming productivitiy and quality incentive program, with joys and humility i can confidently say that we have the best benefits sa banana industry”. – Zamora

Bukod pa rito , mayroon ding inmate farm training and exposure program na nakarehistro sa TESDA kung saan binibigyan ng pagkakataon ang mga bilanggo na makapaghanap buhay.

Kaya naman hinikayat na lamang ni Zamora ang mga may kwestyon sa operasyon ng TADECO na bumisita sa plantasyon ng saging at mga pasilidad ng kumpanya sa Tagum City para personal na makita kung gaano kaayos ang pamamalakad doon.

Ulat ni: Marinell Ochoa

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *