Talakayan tungkol sa implementing rules and regulations ng EBET framework, pinangunahan ng TESDA

Courtesy: TESDA
Pinangunahan ng Technical Education and Skilla Development Authority (TESDA), ang isang serye ng konsultasyon sa stakeholders kaugnay ng implementing rules and regulations (IRR) ng Enterprise-Based Education and Training (EBET) framework ng Republic Act 12063.
Nagtipon-tipon ang TESDA at mga kinatawan mula sa partner government agencies, industry, labor, academe, at regional, sa TESDA Women’s Center sa Taguig City, upang talakayin ang EBET Law na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., noong November 7.

Courtesy: TESDA
Layon nitong pagsama-samahin ang umiiral na EBET program para tugunan ang job-skills mismatches.
Sa ilalim ng batas, ay magiging mas maayos ang iba’t ibang paraan ng paghahatid ng EBET at mas pahuhusayin ang mga insentibo sa buwis para sa mga nagnenegosyo.

TESDA Director General Secretary Francisco Benitez / Courtesy: TESDA
Sinabi ni TESDA Director General Secretary Francisco Benitez, na ang konsultasyon ay isang mahalagang hakbang upang matiyak na ang IRR ng EBET ay magiging praktikal at inclusive, na sumasalamin sa pangangailangan at inputs ng lahat ng stakeholders.
Archie Amado