Talamak na korapsyon sa Philhealth, itinulad sa sakit na nakahahawa

Itinulad ni Senador Christopher “Bong” Go sa sakit na nakahahawa ang talamak na korapsyon sa Philippine Health Insurance Corppration (Philhealth).

Ayon sa Senador, katunayan nito ang pahayag ni Commissioner Greco Belgica ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na hanggang ngayon ay may nangyayari pa ring pagnanakaw sa pondo ng ahensya sa kabila ng iniutos na imbestigasyon ng Pangulo.

Kailangan na aniyang gamutin ang sakit na ito at maglatag ng preventive measure tulad ng bakuna para hindi na muling makapanghawa.

Hindi aniya dapat binibigyan ng puwang sa administrasyon ang mga corrupt officials.

Kasabay nito umapila si Go sa binuong Task Force na bilisan ang imbestigasyon para makasuhan at maipakulong na ang mga tiwaling opisyal.

Ulat ni Meanne Corvera

 

Please follow and like us: