Talamak na text scam, iniimbestigahan na sa Kamara

Sinimulan nang imbestigahan ng mababang kapulungan ng Kongreso ang talamak ngayon na text scam na nambibiktima sa publiko.

Ito’y matapos magpatawag ng pagdinig ang House Committee on Information and Communications Technology na pinamumunuan ni Congressman Toby Tiangco.

Ipinatawag ng Kongreso ang mga opisyal ng telcos na kinabibilangan ng Globe, Smart at Dito upang matigil na ang pambibiktima ng mga scammer.

Ang imbestigasyon ng Kamara ay batay sa House Resolution 43 na inihain ni Congressman Patrick Michael Vargas na naglalayong alisan ng maskara ang mga nasa likod ng talamak ng text scam.

Vic Somintac

Please follow and like us: