Talk to the People ni PRRD mamayang gabi, kanselado – Malakanyang

Wala munang Talk to the People si Pangulong Rodrigo Duterte mamayang gabi.

Sinabi ni Senador Bong Go na kinansela ang weekly regular Talk to the People ng Pangulo dahil maraming miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ang nagpositibo sa COVID 19.

Ayon kay Go maayos naman ang lagay ng kalusugan ng Pangulo dahil wala naman siyang direct contact sa mga PSG personnel na positibo sa COVID 19.

Huling nagsagawa ng Talk to the People si Pangulong Duterte noong March 29 at wala na itong public appearance hanggang ngayon.

Magugunitang binakunahan na ng smuggled Sinopharm anti COVID 19 vaccine ang mga miyembro ng PSG noong nakaraang taon.

Vic Somintac

Please follow and like us: