Tamang posisyon sa pagtulog may kinalaman sa Oral Health
Ang posisyon sa pagtulog ay kayang maapektuhan ang ating oral health.
Kapag mali ang sleep position, napupuwersa ang ngipin na magshift sa ibang direksiyon.
Dito na pumapasok ang problema sa malocclusion.
Kayang-kaya na madis-align ng mga ngipin at panga dahil sa maling sleep position.
Ibig sabihin, kayang sumira ng ngipin o alignment ng ngipin ang maling posisyon mo sa pagtulog.
Kayang magbigay ng sakit.
Halimbawa, kapag ikaw ay natutulog nang nakatagilid sa kaliwa o sa kanan, ang pressure ng unan o kung may kamay pang nakalagay, apektado ang ngipin kasi napupush nito o naitutulak ang mga ngipin to the other side.
Enough, para bigyan ng crossbite o malocclusion (hindi magkakalapat na ngipin).
Lalo na ang bata na papatubo pa lang ang ngipin, tapos ang posisyon sa pagtulog laging nasa kaliwa, lahat ng ngipin sa kaliwa ay mali ang magiging tubo, hindi na tugma.
Ang maaaring maging epekto gaya ng sinabi ko sa maling posisyon ng pagtulog ay malocclusion.
Unti-unti na ang ngipin ay nagkakaroon ng shifting papunta sa loob, papuntang ngalangala.
Isa pa ay TMJ, Temporomandibular joint problem.
Ang panga ay puwedeng magshift sa kanan o kaliwa.
Dahil dito, puwedeng makaranas ng neck pain, headache at kahit pananakit ng tenga.
Maaaring ang itinatanong ninyo, ano ba ang tamang posisyon sa pagtulog?
Nakatihaya, para balance lahat.
Kapag ganito ang sleep position, walang naaabala, may good circulation dahil walang naiipit na ugat o muscles.
Tandaan po natin na hindi lang ngipin, panga ang puwedeng mamis-align, kundi pati kahit mukha natin ay nag-iiba ang shape kapag nakatagilid tayo sa pagtulog.
Magkakawrinkles sa side kung saan ka natutulog.
Kaya sanayin ang tamang posisyon sa pagtulog, nakatihaya.
Sana makatulong ang naging paksa natin.
Maraming salamat!