Tanggapan ng Comelec sa buong bansa, sarado muna sa publiko simula Oct. 31-Nov. 2

Isasara muna pansamantala sa publiko ang lahat ng tanggapan ng Commission on Election o Comelec sa buong bansa. 


Batay sa inilabas na Comelec Advisory mula kay Atty. James Jimenez, ang tagapagsalita ng Comelec, sarado sa publiko ang lahat ng kanilang tanggapan sa buong bansa simula Oct. 31, hanggang November 2. 


Ito ay para bigyang daan ang paggunita sa Undas ng mga katoliko sa bansa.  


Muli namang magbabalik operasyon, Comelec maging ang voter’s registration nito sa lahat ng kanilang tanggapan sa bansa sa araw ng Martes, Nov. 3. 

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: