Tanggapan ng DOT Region 4-A, pansamantalang isinara

Pansamantalang isinara sa publiko ang Tourism Office ng DOT Region- 4A sa Calamba City Laguna.


Ito ay bahagi na rin ng kanilang pag-iingat laban sa banta ng Covid-19 sa bansa. 


Habang nakasarado ay isasagawa ang Sanitation and Disinfection operation.


Dahil dito, lahat ng uri ng physical government transaction ay suspendido muna at hintayin na lamang ang abiso mula sa tanggapan para sa pagbabalik operasyon nito.

Samantala, ang iba pang mga transaction sa tanggapan gaya ng Accreditation at iba pang Tourism services ay tuloy pa rin sa pamamagitan ng online.

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: