Tanza, Cavite main Health Center Building, isinara sa publiko para sa disinfection

Pansamantalang isinara sa publiko ang main Health center ng Tanza, Cavite.

Ito ay upang bigyang daan ang disinfection at general cleaning sa pasilidad mataposmagpositibo ang ilang health workers nito.


Isinailalim na rin sa swab test ang lahat ng mga empleyado ng health center at hinihintay na lamang ang resulta.

Inaasahang sa Huwebes ay magbabalik operasyon at bubuksang muli sa publiko ang Health center.

Jet Hilario

Please follow and like us: