Tara system nalipat na umano sa Bucor – Senador Ping Lacson

Tila nalipat na umano ang tara system na umiiral sa Bureau of Customs patungong Bureau of Corrections.

Ito ang pangamba ni Senador Panfilo “Ping” Lacson matapos mabunyag ang posibleng pagpapalaya sa convicted rapists na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Pinasaringan ni Lacson si Bucor chief Nicanor Faeldon dahil mula umano sa pagpapalabas ng mga smuggled goods sa customs, mangyayari naman ngayon ang pagpapalabas ng mga convicts sa Bucor kabilang na si Sanchez,

Pangamba rin ni Senate minority leader Franklin Drilon, kung hindi naireport agad sa media, baka nakalaya na si sSnchez.

Iginiit ni Drilon na kahit napigilan ang paglaya ni Sanchez, desidido pa rin siyang busisiin kung paano kino compute ang Good Conduct Time Allowace at paanong napasama si Sanchez sa listahan ng mga inirekomendang mapalaya.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *