Tatlo pang nawawalang bangkay sa landslide sa Tacloban City, natagpuan na

Natagpuan na ang tatlong bangkay na nawawala sa nangyaring landslide sa Brgy. 43-B, Quarry District Tacloban City noong Sabado, January 13.

Unang natagpuan ang bangkay ni Zoe Hernandez, babae at 17 taong gulang. Kinilala ang kanyang bangkay ng kanyang kapatid na si Verity Hernandez na nakaligtas sa nangyaring insidente.

Bandang alas singko naman ng hapon ay natagpuan na din ang bangkay ni Barangay secretary Inday Hernandez at ang live in partner nito.

Ang nasabing search and retrieval operations ay pinangunahan ng Tacloban City Police Office search and Rescue team, Bureau of Fire and Protection (BFP), Tacloban City Rescue Unit (TACRU), Air force of the Philippines, at iba pang ahensiya at Local government Unit na hindi tumigil hangga’t hindi nahahanap ang mga biktima.

Sa kabuuan, apat ang kumpirmadong nasawi sa nasabing insidente.

Lubos naman ang pagdadalamhati ng mga kaibigan at mahal sa buhay ng mga biktima.

Ulat ni Rheanel Vicente

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *