Tatlong aklat na makatutulong sa mga MSME inilunsad ng DOST

Inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) ang tatlong aklat na makatutulong sa mga nasa Micro, Small and Medium Enterprises na lalo pang makapagbibigay inspirasyon kasabay ng nararanasang pagsubok dahil sa Covid-19 Pandemic. 


Sinabi ni DOST Secretary Fortunato dela Peña na ang aklat ay isinulat upang lalong matanyag ang Filipinovation  lalo na ngayong humaharap ang bansa sa National crisis. 

Binigyang-diin dito ang Science for the People na siyang battle cry ng DOST.


May pamagat na Science for Scale Science for Success at Science for Social Change ang nabanggit na mga aklat. 


Ayon pa kay dela Peña,mababasa dito ang aspiration,  inspiration at kung paano binabago ng inobasyon ang negosyo, komunidad at buhay ng mga Filipino. 

Belle Surara

Please follow and like us: