Tatlong branch ng Biñan City Regional Trial Court, naka-lockdown hanggang October 8 matapos magpositibo sa Covid-19 ang isang kawani

Sarado hanggang sa October 8 ang tatlong branch ng Biñan City Regional Trial Court na matatagpuan sa Alonte Sports Arena matapos magpositibo sa Covid- 19 ang isang kawani.

Sa memorandum ni Executive Judge Teodoro Solis, ilalagay sa 14 na araw na lockdown o mula September 24 hanggang October 8 ang Branches 153, 154, at 155 ng Biñan City RTC na nasa iisang opisina.

Nabatid na nagka-Covid ang isang court personnel ng Branch 155.

Habang pisikal na sarado ang mga hukuman ay isasailalim ito sa disinfection.

Inatasan din ang mga hukom at empleyado na magpa-swab test at magsagawa ng contact tracing.

Maaaring magsagawa ng video conferencing hearing ang mga hukom mula sa kanilang bahay para sa mga kasong naitakda na sa quarantine period.

Moira Encina

Please follow and like us: