Taxi driver nagsauli ng bag na may lamang halos P500,000 halaga ng kagamitan

Photo: SJDM PIO

Isang taxi driver sa San Jose del Monte, Bulacan ang nagsauli ng isang bag na naiwan ng kanyang pasahero sa kanyang minamanehong taxi.

Photo: SJDM PIO

Ang naturang bag na naiwan ng kaniyang pasahero na galing sa Makati City, ay naglalaman ng aabot sa halos P500,000 halaga ng mamahaling gadgets.

Photo: SJDM PIO

Personal itong dinala ng taxi driver na si Leo Corpus sa tanggapan ng Association of Barangay Captain President, na si Zosimo Lorenzo upang maisauli sa may-ari ang bag.

Labis naman ang pasasalamat ni Mark Anthony Claveria, may-ari ng bag sa katapatan at kabutihan na ipinamalas ng taxi driver.

Cez Rodil

Please follow and like us: