Taxi, nagliyab sa Cubao, Quezon City

 

Halos lamunin na ng apoy ang taxi sa mismong tapat bus terminal sa Cubao Quezon City kagabi.

Sa imbestigasyon, nagbaba lamang ng pasahero ang taxi driver di kalayuan sa lugar pero nang umusad muli ang kanyang taxi ay bigla na lang umuusok ang loob nito at nagsimulang magliyab.

Mabuti na lamang ay agad na nakalabas ang taxi driver.

Tumulong ang mga security guard gayundin ang mga nasa lugar para maapula ang umaapoy na taxi.

Makailang beses itong binuhusan,  binugahan ng fire extinguisher pero walang talab ang mga ito at muling umaapoy ang taxi.

Pati loob ng taxi makailang beses din binugahan ng fire extinguisher pero wala itong epekto.

Kagad namang nakaresponde ang BFP sa lugar at naapula agad ang apoy.

Sa naging imbestigasyo,n lumalabas na may problema sa electrical wiring ang taxi na naging sanhi ng pagliyab nito.

 

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *