TELCOS , muling pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pangit na serbisyo

Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga telcos service provider sa bansa.

Sa kanyang talk to the nation sinabi ng Pangulo na hanggang ngayon ay nananatiling pangit ang serbisyo ng mga telcos lalo na sa internet connections.

Ayon sa Pangulo ngayong nalalapit na ang pagbubukas ng klase sa October 5 at magiging dependent sa electronic gadget ang sistema ng edukasyon dahil sa pandemya ng covid 19.

Inihayag ng Pangulo na ginagawa lahat ng gobyerno ang paraan para mapagaan ang pagkuha ng mga permits ng mga telcos sa mga local government units para makapagtayo ng karagdagang tower at mapalakas ang signal ng internet.

Nakiusap ang Pangulo sa telcos service provider na ayusin naman ang serbisyo sa mga subscriber.

Vic Somintac

Please follow and like us: