Thailand, maniningil na ng $9 visitor fee sa Abril

Photo: Mladen Antonov / AFP

Maniningil na ang Thailand ng $9 visitor fee sa mga dayuhang bibisita sa kanilang bansa simula sa Abril.

Sinabi ng tagapagsalita ng Thailand government na si Thanakom Wangboonkongchana, na ang bagong 300 baht o $9 na singil ay isasama sa airfare o pamasahe sa eroplano.

Bago ang pandemya, halos 40-milyong mga turista ang bumibisita sa Thailand bawat taon.

Ayon sa Ministry of Tourism and Sports ng Thailand, inaahan na sa $39-$54 bilyong kikitain sa turismo ngayong taon, $24 bilyon dito ay magmumula sa foreign travelers.

Matatandaan na nagluwag na ng restriksiyon ang Thailand sa pagtatapos ng 2021 upang makabawi ang sektor ng turismo, subali’t muling naghigpit nang lumitaw ang Omicron variant.

Please follow and like us: