‘Thumbs up’ – 99 anyos na babaeng taga Croatia, tinalo ang COVID-19

Margareta Kranjcec rests in her bed at an elderly people’s home in Karlovac, Croatia, on Dec 3, 2020.PHOTO: AFP

ZAGREB, Croatia (AFP)- Nag “thumbs up” ang isang 99-anyos na babaeng taga Croatia, matapos gumaling mula sa covid-19.

Si Margareta Kranjcec, na naninirahan sa isang lumang people’s home sa central city ng Karlovac, ay na-ospital sa huling bahagi ng Oktubre matapos magpositibo sa COVID-19, ngunit pinalabas din makalipas ang tatlong linggo.

Ayon kay Kranjcec na bedridden na dahil sa kaniyang edad, ngunit walang serious health conditions … “It’s over, I feel fine now.”

Sinabi ng home director na si Stefica Ljubic Mlinac, na si Kranjcec ay kabilang sa ilang residente na nagpositibo sa virus, subalit siya ay asymptomatic.

Sinabi ni Ljubic Mlinac, na nakamamanghang sa kabila ng edad nito ay hindi man lang sya naapektuhan ng virus.

Ang Croatia, isang bansa na may 4.2 milyong mamamayan, ay nakapagtala ng halos 140,000 COVID-19 infections, kung saan halos 2,000 ang namatay.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: