Tinaguriang Historical House sa Imus City Cavite nasunog kaninang madaling araw.

Tinupok ng apoy ang isang historical house sa Imus, Cavite kaninang alas 3:30 ng madaling araw.

Ang naturang guaali na nasunog ay tinatawag nilang Bahay Kastila na nakatayo sa Barangay Malagasang 1B sa Imus City Cavite. 

Agad  namang rumesponde ang mga pamatay sunog at kaagad naapula ang apoy. 

Inaalam pa ng mga opisyal ng BFP Imus Cavite ang pinagmulan ng sunog at ang halaga ng mga ari-arian na naabo ng apoy.

Jet Hilario

Please follow and like us: