Toll fee, hindi magtataas ayon sa DOTr

Tiniyak ng Department of Transportation o (DOTr) sa publiko na hindi magbabago ang singil sa mga toll gate sa pagsapit ng Holy Week ng mga Katoliko.

Kinumpirma ito mismo ni DOTr Public Information Officer Goddess Hope Libiran.

Ito rin ang ginawang  pagtitityak ng Toll Regulatory Board sa pamamagitan ng spokesperson nito na si Albert Suansing.

Samantala, namahagi na ng special permits ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa humigit kumulang 1,100 provincial busses para ma-accomodate ang dami ng mga pasahero na maglalakbay sa Semana Santa ng mga Katoliko.

 

 

Please follow and like us: