Tourism Sec. Christina Frasco sinimulan na ang listening tours sa Visayas at Mindanao

Nakipagpulong si Tourism Secretary Christina Frasco sa mga regional officers ng Department of Tourism (DOT) sa Visayas at Mindanao bilang pagsisimula ng kaniyang listening tours.

Partikular sa kinausap ng kalihim ang mga opisyal ng DOT Region 6 (Western Visayas), Region 7 (Central Visayas), Region 8 (Eastern Visayas) Region 9 (Zamboanga Peninsula), Region 10 (Northern Mindanao), Region 11 (Davao Region), Region 12 (SOCCKSARGEN), at Region 13 (CARAGA).

Ginanap sa Cebu ang pagsisimula ng listening tours ng bagong tourism chief.

Courtesy: DOT

Hinimok ni Frasco ang mga regional officers ng departamento na patuloy na makipag-ugnayan sa mga LGUs at mga stakeholders para tugma at sang-ayon ang mga tourism development initiatives ng mga ito.

Inihalimbawa ni Frasco ang Cebu na naging matagumpay ang domestic tourism sa kabila ng pandemya dahil sa alignment ng provincial government, local government officials, at private stakeholders

Aniya nakasalalay ang tagumpay ng turismo sa buong bansa sa mga rehiyon kung nasaan ang mga tourist destinations.

Moira Encina

Please follow and like us: