Trabaho ng Commission on Appointments apektado na ng shakedown sa Senado

Apektado na rin ng rigodon sa Senado ang trabaho ng Commission on Appointments.

Ngayong araw sana isasalang ang kumpirmasyon ni DENR Secretary Gina Lopez at Foreign Affairs Sec.  Perfecto Yasay.

Nakatakda rin ang caucus  ng CA para aprubahan ang rules o ang 3 strike policy kung saan hindi na maaring isalang ang sinumamg appointee na tatlong beses nang na bypass ng makapangyarihang komisyon.

Pero naunsyami dahil kailangang magsagawa muna ng re -organization ang CA.

Chairman ng dalawang komite sa CA ang napatalsik sa Majority na sina Senators Francis Pangilinan at Bam Aquino.

Ulat ni : Mean Corvera

Please follow and like us: