Transition committee binuo na ng Malakanyang

Pangungunahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Transition Committee para sa pagsasalin ng poder ng pamahalaan sa mananalong bagong presidente ng bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar na nakahanda na ang Transition Committee upang maayos na mailipat sa bagong administrasyon ang pamamahala sa gobyerno.

Ayon kay Andanar hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte na maisalin ang gobyerno sa papalit sa kanya sa puwesto ng walang aberya.

Inihayag ni Andanar nangako si Pangulong Duterte sa sambayanang Pilipino na magkakaroon ng malinis at payapang halalan sa Mayo 9 ng taong kasalukuyan.

Vic Somintac

Please follow and like us: