Transition procedure sa pagitan ng outgoing Duterte Administration at Incoming Marcos Administration halos patapos na – Malakanyang

Siyam na araw bago ang pormal na pagsisimula ng Marcos Jr. Administration sa June 30 nasa final stage na ang transition procedure.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar na tuloy tuloy ang meeting sa pagitan ng transition committee ng Duterte administration at transition committee ng incoming Marcos Jr. administration.

Ayon kay Andanar lahat ng mga ahensiya na nasa ilalim ng executive department ay nakapagsagawa na ng briefing sa mga incoming department heads.

Inihayag ni Andanar nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maayos na maisalin ang poder ng pamahalaan sa papasok na administrasyon ni President Elect Ferdinand Marcos Jr.

Vic Somintac

Please follow and like us: