Transport groups, humirit ng dagdag na P1 pasahe tuwing rush hour

Umaasa ang transport group na PASANG MASDA na maaaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon nila na makapaningil ng dagdag na piso sa pasahe sa mga jeep kapag rush hour.

Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin, napilitan silang humirit ng surcharge o surge fees dahil hindi sapat ang inaprubahang fare hike ng LTFRB bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Sakaling aprubahan ang petition for surcharge ay mula 12pesos na minimum fare sa regular jeep ito ay magiging trese pesos na habang ang pasahe sa modern jeep ay 15 pesos na mula sa 14 pesos kapag rush hour.

Alinsunod sa petisyon, ang rush hour ay mula 4am hanggang 8am at 4pm hanggang 8pm.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.