February 25, 2021
  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
RadyoAgila.com RadyoAgila.com
  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
Menu
  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
Balita Ngayon
  • Pasig City Mayor Vico Sotto kinilala ng US State Department bilang isa sa Global anti-corruption champions
  • JBC isinumite na sa Malacañang ang mga shortlists para sa mga bakanteng pwesto sa CA, Sandiganbayan, at CTA
  • COVID-19 cases sa bansa umabot na sa mahigit 566 libo
  • FDA nilinaw na wala pang aplikasyon ang Sinopharm para sa EUA
  • Pagtaas ng COVID- 19 cases sa Pasay City hindi konektado sa UK variant – DOH
  • UK Variant ng COVID- 19 nasa 6 na rehiyon na sa bansa
  • COVID-19 vaccines ng Pfizer at AstraZeneca ligtas para sa mga matatanda – FDA
  • Vaccination bill hindi na tatalakayin sa BICAM
  • Intervention ng DEPED para hindi magkaroon ng learning classes habang wala pang face to face inalam ng Senado
  • Mga cabinet officials handang magpabakuna para patunayang ligtas at epektibo ang Sinovac anti COVID-19 vaccine
01:34 PM Clock
Home IBANG BANSA Travel ban, hindi aalisin ng US sa kabila ng pahayag ni Trump

Travel ban, hindi aalisin ng US sa kabila ng pahayag ni Trump

on: January 19, 2021

WASHINGTON, United States (Agence France-Presse) — Agad na ibinasura ng tagapagsalita ni US President-elect Joe Biden, ang inanunsyo ni Donald Trump nitong Lunes, na ang COVID-19 ban sa mga traveler na darating mula sa mga bansa sa Europe at Brazil ay aalisin na.

Sa tweet ni Jen Psaki, press secretary ni Biden, sa advice na rin ng kanilang medical team, walang intensyon ang Administrasyon na alisin ang restriksyon sa January 26.

Ang totoo aniya, plano pa nilang palakasin ang public health measures sa international travel para lalo pang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Dagdag pa ni Psaki, hindi ito ang panahon para alisin ang restriksyon sa international travel dahil sa paglala ng pandemya at paglitaw ng mas nakahahawang variant.

Ilang minuto bago ang tweet ni Psaki, ay ipinahayag ni President Trump na aalisin na niya ang travel ban sa Europe at Brazil pero mamamalagi ang travel ban para sa China at Iran.

Ang dalawang pahayag ay lumabas ilang araw matapos i-anunsyo ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), na lahat ng air passengers na patungong US ay dapat na negatibo ang resulta ng COVID-19 test tatlong araw bago ang kanilang departure.

Hanggang nitong Lunes, ang US ay nakapagtala na ng higit 24 milyong kaso ng COVID-19, kung saan halos 400,000 na ang namatay.

Liza Flores

  • Travel ban, hindi aalisin ng US sa kabila ng pahayag ni Trump
    Previous

    108-anyos na lola sa Italy, binakunahan laban sa COVID-19

  • Travel ban, hindi aalisin ng US sa kabila ng pahayag ni Trump
    Next

    Meycauayan City, mas pinaigting ang pagpapatupad ng mga ordinansa

2014 Powered By Wordpress, Goodnews Theme By Momizat Team

  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
Desktop Version Mobile Version