Travel Expenses ng Commission on Human Rights sinita ng isang senador

Sinita ni Senador Imee Marcos ang Commission on Human Rights sa napakalaking budget nito na malaking porysento ay nauwi sa PAGBILI NG airline ticket at pagbyahe ng mga opisyal.

Nasa 1. 4 billion pesos sana ang hinihinging budget ng chr para sa susunod na taon pero umaabot lang sa 860 million lang ang Inaprubahan ng department of budget and management.

Ayon Kay Marcos, batay sa report ng commission on Audit sa nakalipas na tatlong taon nasa red flag ang pagbili ng airline ticket ng chr na paglabag sa batas sa procurement.

Binalatan ni Marcos ang chr na maaaring maharap sa kaso kapag hindi nilimitahan ang pagbiyahe.

Meanne Corvera

Please follow and like us: