Trece Martires MCTCs, isinara matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang empleyado ng City Hall

Pansamantalang sarado ngayong araw ang Trece Martires Municipal Circuit Trial Courts (MCTCs) na matatagpuan sa City Hall ng lungsod.

Ito ay makaraang suspendehin ng lokal na pamahalaan ang operasyon ng City Hall at ng annex buildings nito para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Nagpositibo kasi sa COVID-19 ang ilang kawani sa City Mayor’s at Treasurer’s Offices.

Magpapatuloy ang operasyon at transakyon sa City hall sa Martes, Enero 26 maliban sa City Mayor’s Office at City Treasurer’s Offices.

Maaari namang tumawag ang mga court user sa MCTCs sa kanilang official hotlines at email addresses.

Tiniyak ng Trece Martires LGU na natukoy at sumailalim na sa swab testing ang mga close contact ng mga nagpositibong empleyado.

Moira Encina

Please follow and like us: