Tree planting sa San Mateo , Rizal pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kasabay ng kanyang kaarawan, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang National Simultaneous bamboo at tree planting activity sa San Mateo, Rizal, ngayong araw.

Sa kanyang talumpati, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagtatanim upang pangalagaan at protektahan ang kalikasan.

Hindi naman nakalimutan ng Pangulo na pasalamatan ang DILG, DENR at DA sa pagsasagawa ng naturang aktibidad.

Dagdag pa ng Pangulo, ang naturang inisyatibo ay suporta sa National Greening Program ng DENR.

Please follow and like us: