Unang kaso ng Zika Virus sa Estados Unidos

Naiulat ang unang kaso ng Zika Virus sa Estados Unidos, Texas. Ayon sa Dallas County Health and Human Services, nahawa ang pasyente dahil sa personal contact sa isang taong galing sa bansang apektado ng Zika.

Hindi na nagbigay ng iba pang impormasyon ang Health Department para sa privacy at confidentiality ng pasyente.

Ayon sa Health Department, dapat maturuan ang publiko kung paano protektahan ang kanilang sarili, lalo na’t nakukuha ang sakit sa close at personal contact.

Please follow and like us: