Unang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa Bilibid, pumanaw na

Pumanaw na ang inmate sa New Bilibid Prisons na unang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa National Penitentiary.

Ayon sa Bucor, namatay noong Huwebes ng gabi ang lalaking PDL na na-confine sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Naipabatid na ng Bucor sa pamilya ng inmate ang sinapit nito.

Sinabi ng Bucor na nananatiling asymptomatic o walang sintomas ng sakit ang iba pang PDLs na nakasalamuha ng pasyente at una nang inilagay sa quarantine.

Tiniyak ng Bucor na binibigyan nila ng tamang atensyon at monitoring ang kalusugan ng naka-quarantine na mga bilanggo para lumakas ang kanilang stamina at malabanan ang sakit.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: