Unang pasyente na nagpositibo sa 2019 NCOV sa bansa gumaling na

Kinumpirma ni Health Undersecretary Eric Domingo na gumaling na ang unang pasyente na nagpositibo sa 2019 novel corona virus sa bansa.

Ayon kay Domingo ang nasabing pasyente na Chinese national ay na-discharge na sa ospital nitong Sabado.

Ito ay matapos dalawang beses na mag-negatibo ang ginawang test ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa kinuhang sample mula sa kanya.

Hindi naman matiyak ni Domingo kung nasa bansa pa ang nasabing pasyente o nakabalik na ito sa China.

Matatandaan na ang kasama nito sa pagdating sa bansa na ikinunsiderang 2nd NCov case ay namatay dahil sa severe pneumonia.

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us: