Unang train sets para sa ginagawang MRT-7 nailagay na

Naikabit na sa linya ng Metro Rail Transit -7 ( MRT-7) sa Quezon city ang unang train set na binili ng San Miguel Corporation mula sa Hyundai Rotem ng South Korea.

Kamakailan ay dumating sa bansa ang mga inorder na train sets.

Ang dalawang train sets ay bahagi ng 6 train sets na binili ng SMC na siyang concession-holder ng proyekto at nagpopondo ng konstruksyon ng 22-kilometer mass transit system na magdurugtong sa MRT-3 at LRT-1, at magtutuloy mula North Avenue sa Quezon City hanggang San Jose del Monte, Bulacan.

Nakatakda namang dumating ngayong Linggo sa project site ang ikalawang train set.

Please follow and like us: