Unang WTA title, napanalunan ni Fernandez ng Canada

MONTERREY, Mexico (AFP) – Nakuha nan g Canadian teenager na si Leylah Fernandez, ang una niyang Women’s Tennis Associaiton (WTA) singles title, matapos talunin ang qualifier na si Viktorija Golubic sa score na 6-1, 6-4 sa ginanap na final sa Monterrey, Mexico.

Walang natalong set ang 18-anyos na si Fernandez sa buong linggo ng kaniyang laro hanggang sa makuha ang una niyang titulo, kung saan kinailangan lang niya ng isa at kalahating oras, upang talunin si Golubic ng Switzerland, sa una nilang paghaharap.

Ayon kay Fernandez . . . “When I was seeing everybody going to the court, the trophies and then I sat down, I took a few deep breaths and then I realized that I won, but a little sad because my family couldn’t be with me to celebrate at the event.”

© Agence France-Presse

Please follow and like us: