Batas na nagpapaliban sa Barangay at SK elections, nilagdaan na ni Pangulong Duterte ayon sa Comelec

Nalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magpapaliban sa Barangay at SK elections ngayong taon.

Sa October 23, 2017 sana nakatakda ang halalan para sa barangay na ilang beses na ring naipagpaliban.

Sinabi ni Comelec spokesperson, James Jimenez na naipagbigay alam na sa kaniya ang paglagda ng pangulo sa 2017 Barangay at SK elections postponement bill.

Noong October 1, pormal nang pinasimulan ng Comelec ang election period para sa Barangay at SK elections na hudyat din ng pagsisimula ng pag-iral ng gun ban.

Itinakda rin ng Comelec ang October 5 hanggang October 11 para sa paghahain ng certificate of candidacy ng mga tatakbo sa eleksyon at ang October 12 hanggang October 21 bilang campaign period.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *