Bilang ng lugar na isinailalim sa tropical cyclone warning, nadagdagan dahil sa bagyong Urduja

Nadagdagan pa ngayon ang bilang ng mga lugar na isinailalim sa tropical cyclone warning dahil sa banta ng bagyong Urduja.

Sa pinakahuling weather bulletin na inilabas ng pagasa itinaas na sa signal number 2 ang Eastern Samar, Samar, Biliran, habang nakataas naman sa signal number 1 ang Catanduanes, Camarines Sur,Albay, Sorsogon, Masbate and Romblon Northern Samar, Leyte, and Southern Leyte, Northern Cebu including Bantayan Island, Capiz, Aklan and Northern Iloilo.

Sa ngayon huling namataan ang bagyo sa layong siyamnapung kilometro a silangan hilagang silangan ng Guiuan, Eastern Samar kumikilos ang bagyo pa – kanluran.

Sa bilis na pitong kilometro bawat oras bahagyang lumakas ang taglay nitong hangin na umabot na ngayon sa animnaput limang kilometro ang bawat oras na may pagbugso namang walumpung kilometro bawat oras.

Inaasahang bukas ng umaga ang landfall ng sentro ng bagyo sa Eastern Samar.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *