Itlog sa loob ng isang itlog

 

                photo credit: news.com.au

Nagulat si Scott Stockman, isang magsasaka sa Queensland, Australia matapos niyang madiskubre na may isa pang itlog na nasa loob ng isang malaking itlog.

Ang malaking itlog ay ipinost niya sa facebook page ng Stockman’s egg na kaniyang pinagtatrabahuhan.

Ang itlog ay may sukat na 176 grams, mas malaki ng halos 6-ounce kumpara sa 58 grams na average weight ng itlog.

Nang buksan ang malaking itlog, may laman itong isa pang mas maliit na itlog.

Ayon kay Stockman, hindi pa siya nakakita ng ganuong klase ng itlog na kasinlaki na ng isang avocado.

Nagpasya rin siya na huwag kainin ang itlog.

 

==============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *