Pinakamalaking Jigsaw Puzzle sa United Arab Emirates

Isa na namang record ang na-break, matapos i-anunsyo ng United Arab Emirates na nakuha nila ang Guinness World Records title, matapos nilang makagawa ng 12,000-piece Jigsaw puzzle.

Ayon sa Dubai multi-commodities center, na-break nila ang record matapos buuin ang 1.5-acre jigsaw puzzle, na ang nakalarawan ay ang UAE Founding Father na si Sheikh Zayed Bin Sultan Al Nayhan.

Ang puzzle ay ginawa upang ipagdiwang ang “Year of Zayed,” na isang nationwide initiative para sa ika-100 karawan ni Zayed.

Ang record na tinalo ng UAE ay ang Jigsaw puzzle na binuo ng Netherlands noong 2002, na ang sukat ay 1.3 acres.

 

=================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *