US Ambassador to the PH MaryKay Carlson, nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ni U.S. Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na nagpositibo siya sa COVID-19.

Ipinakita ni Carlson sa kaniyang tweet ang antigen test results na nagpapakitang positibo siya sa sakit.

Ayon sa U.S. diplomat, naka-isolate na siya sa kaniyang tahanan at nakararanas ng mild na sintomas ng virus.

Nagpapasalamat naman si Carlson na bakunado na siya laban sa Covid at nakatanggap na rin ng booster shot.

Moira Encina

Please follow and like us: