US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un, magkikita sa June 12 sa Singapore

 

                    photo credit: bbc.com

Magkikita  sina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un sa June 12 sa Singapore.

Ito ang inanunsyo ni Trump matapos nitong sabihin na isang malaking breakthrough para sa denu-clearization  ng Nokor ang pagpapalaya sa tatlong Amerikanong hawak ng nasabing bansa.

Sa isang tweet ni Trump ay sinabi nito na sa kanilang pagkikita ni Kim ay kapwa nila pagsusumikapang gawin itong very special moment para sa pandaigdigang kapayapaan.

Madaling araw ng Huwebes, oras sa Estados Unidos nang salubungin ni Trump, kanyang asawa na si Melania, US Vice President Mike Pence, Secretary of State Mike Pompeo, at iba pang opisyal ng pamahalaan ng US ang mga dating Nokor detainees na sina Kim Dong Chul, Kim Hak Song, at Tony Kim.

 

=================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *